Advertisers

Advertisers

Vilma binisto, apat na beses inalok para tumakbong vice president

0 21

Advertisers

Ni Jimi Escala

PERSONAL na dumalo ang Star for All Seasons sa inoorganisang Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Retrospective) na ginanap sa UST. Si professor Augusto Antonio Aguila ng College of Liberal Arts ang the man behind sa nasabing proyekto kung saan ipinalabas ang mga restored movies ni Ate Vi na gaya ng Dekada 70, Ekstra, Bata, Bata Paano Ka Ginawa at Tagos ng Dugo.

Nang hapon na yun kung saan dumalo si Ate Vi ay ang pelikulang “ Dekada 70” ang ipinalabas.



Sa totoo lang, kahit more than 20 years nang naipalabas ang nabanggit na movie directed ni Chito Roño ay napapanahon pa rin at parang akma pa rin sa kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan, huh!

Nagkaroon naman ng “talk back” after napanood ng lahat ang movie.



Game si original grand slam actress sa mga tanong ng mga estudyante ng Sto. Tomas at ng ilang movie press, huh!

Deretsahang inamin ng bida ng MMFF movie na “UNINVITED “ na apat na beses siyang inalok para tumakbong Vice President noon.



Sina dating pangulong Gloria Arroyo, now Sec. Of Defense Gibo Teodoro ay dalawa sa mga nag-alok sa kanya to run for Vice president pero tinanggihan ng premyadong aktres at politician, pati na ang kung ilang beses na pag alok sa kanya na tumakbong senador, huh!

Katwiran ni Gov. Vi na ang paglilingkod ay hindi para sa kung anong posisyon o titulo kundi pagsasakripisyo para sa kanyang pinaglilingkuran, huh!

Mas pinili pa rin na tumakbong gobernador ni Ate Vi para sa mga Batangueños at may mga project pa rin siya na tatapusin para sa mga Ito, huh!

***

SAMANTALA, tuwang tuwa ang mga Thomasians lalo na ang mga GenZ sa mga sagot ni Ate Vi at sa kuwento ng aktres sa mga naging karanasan niya sa paggawa ng pelikula at kung paano ang pamumuno niya sa probinsiya ng Batangas, huh!

Kumbaga, ang daming lessons daw na natutunan nila sa itinuturing ng lahat na Icon ng industriya ng pelikula.

Sabi pa nga ng nakausap naming grupo ng estudyante iba raw pala talaga magsalita si Ate Vi .. kagalang galang at dapat bigyan ng respeto, huh!

Sa totoo lang din naman si Ate Vi ang kauna unahang babae na naging mayor ng Lipa at kauna unahang gobernador ng Batangas.

Kilala natin ang tapang ng mga Batangueño pero pag si Ate Vi ang nagsasalita lahat sila nakikinig, huh!

Dagdag pa ni Ate Vi, first priority pa rin niya ang pamilya na kaya raw siya naging effective na public servant dahil naging mahusay siyang ina nina Ryan at Luis at asawa ni Sec. Ralph Recto, huh!