Advertisers

Advertisers

Lloydie flopsina ang bagong movie, wala na ang box-office appeaL

0 15

Advertisers

Ni Rommel Placente

KUNG dati ay inaabangan at pinipilahan ang mga pelikula ni John Lloyd Cruz, malayung-malayo na raw sa ngayon.

Ang recent movie kasi ng aktor na may titulong Moneyslapper kasama si Jasmin Curtis ay flop sa mga sinehan.



Bagaman nanalo siya ng Best Lead Performance sa QCinema, hindi ito nakatulong para panoorin ito. Ni hindi nga raw pinag-usapan kaya di rin nagtagal sa mga sinehan.

Kaya naman ang netizens napatanong, nasaan na ang dating John Lloyd na orihinal na box office king? Marami pa rin ang nanghihinayang. Kaya naman hiling ng kanyang mga fans, sana bumalik siya sa teleserye. Iba pa rin kasi pag visible sa telebisyon ang isang artista.



Nakukumpara tuloy siya sa kasabayang si Baron Geisler na umaariba ang acting career.

Sana raw ay magkaroon sila ng reunion movie ng dating ka-loveteam na si Bea Alonzo. Bago naman daw sumikat ang mga karakter na Ethan at Joy sa Hello Love Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay nauna sina Popoy at Basha ng One More Chance. Ano na nga raw ba ang nangyari na supposedly ay may gagawin silang pelikula?



Bakit daw ayaw ng kunin ng Kapamilya network si Lloydie?Ang gaganda pa naman daw ng mga serye ng Dos ngayon.

Sa pagkakaalam namin ay ayaw ng gumawa ng serye si Lloydie. Kahit bumalik sya sa showbiz ay sitcom lang ang tinanggap nitong proyekto at mga pelikula na kakaiba ang kanyang role.

***

MANANATILING Kapuso pero nagpaalam na raw si Matteo Guidicelli sa morning show niya na Unang Hirit sa Kapuso network. Ito ang nabanggit ng kasama niya sa nasabing show na si Arnold Clavio.

Ang tanong nga ng ilang netizens, hindi ba’t kasama ito sa kontrata niya nang lumipat sa GMA 7?

Sey ni Igan, nagpaalam naman daw si Matteo nang maayos at parang gusto niya yung personal life, lalo na sila ni Sarah Geronimo na bumuo ng pamilya. Baka raw kasi sa schedule, baka pagod at nirerespeto naman daw nila iyon na family first. Pero nagpapasalamat sila na naging bahagi ang aktor ng programa.

Iniisip tuloy ng mga netizens na baka gusto nang magkaanak nina Matteo at Sarah. Well, its about time naman na raw dahil matagal na rin silang kasal.

Matatandaang February 2020 nang ikasal ang of t mag-asawa. Nananatiling matibay ang kanilang pagsasama sa kabila ng pagtutol nung una ng ina ni Sarah na si mommy Divine.