Advertisers
Ipinaliwanag ni AGAP Partylist Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones, ang tungkol sa usapin sa imported na bigas na base sa Executive Order 62, ibinaba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang taripa buhat sa 35% to 15% at bumaba ito ng 20% dahil sa kagustuhan nitong maibaba ang presyo ng bigas subali’t ang naging resulta hindi naman nagbago ang presyo nito sa merkado.
Ayon kay Briones, na malinaw na mayroon nananamantala at may kumikita dito na dapat nasa P41 to P45 per kilo lang ang bigas dahil sa pagbaba ng taripa (taxes) sa bigas.
Tahasan din sinabi ng Dept. of Agriculture (DA) na ang nakikinabang dito ang mga importer o traders at hindi ang mga consumer na umaasa na bababa ang presyo ng bigas. At naapektuhan din ang mga palay farmers sapagkat nawalan ng P12 billion mahigit na revenue ang gobyerno na dapat magiging pang suporta, ayuda at pangpagawa ng kailangan ng mga magsasaka ng palay.
Ayon kay Agap Rep., na dahil hindi nakinabang ang ating mga consumer iminungkahi nilang ituloy na ang pagre-review at kaagad bawiin ang pagbaba ng taripa at ibalik sa 35% ng importation ng bigas at tamang tama mayroon darating na anihan kapag ibinaba ang taripa bababa na ang preyo ng bigas sa merkado at sa international market hindi na mapagsasamantalahan ng mga importer.
Sinabi ni Cong. Nikki, na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa Quinta Committee 1. Sino sino ang top ten importers ng bigas, saan dumaong ang imported na bigas at saan ang kanilang bodega. Ayon na rin ito sa bagong batas na ipinasa noong Sept. 26, 2024 ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act kung saan si Briones ang isa sa principal sponsor at author nito,na kabilang ang cartel, profiteering, hoarding at smuggling sa economic sabotage.
Ipinahayag pa ni Briones na kamakailan mayroon nasamsam ang Bureau of Customs (BOC) ng 21 containers o 508 tonelado ng smuggled frozen mackerel mula China sa Manila International Container Port (MICP), kasunod ng pinaigting na crackdown sa pagpasok ng illegally imported agricultural products. Tinatayang nagkakahalaga ang ismagel na mackerel ng P178.5 milyon.
Nabatid ni Briones sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na walang aplikasyon para sa mackerel ang importer na, “Pacific Sealand Foods Corporation,” mula August 30 hanggang September 16, 2024 at wala itong Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPIC) nang ibinaba ito sa MICP, kaya ikinokonsidera itong mga puslit na produkto.
Sinabi pa ni Cong. Briones na pasok ito sa batas na Economic Sabotage Act at ang parusa dito non-bailable at lifetime imprisonment.
Inaalam na rin nila Briones at ng enforcement group ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, kabilang ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), coastguard at Department of Finance (DoF), kung sino ang importer at broker ng mga nasamsam na imported mackerel na inimport ng Pacific Sealand Foods Corp. Kailangan may masampolan ang batas na ito kasama ng limang beses na multa na dapat ipataw sa sinumang lalabag sa Batas na ito.