Advertisers

Advertisers

Crossovers giniba ang High Speed Hitters sa PVL All-Filipino

0 8

Advertisers

TINULDUKAN ng Chery Tiggo ang three-game streak ng PLDT sa pamamagitan ng, 25-12, 25-23, 20-25, 25-22 wagi Martes sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Araneta Colesium sa Quezon City.

Umiskor si Princess Anne Robles ng 17 points on 14 attacks at three aces para sa Crossovers na nakamit ang kanilang dalawang dikit na tagumpay matapos ang dalawang kabiguan.

Ara Galang nagdagdag ng 13 points, kabilang ang two blocks, habang Ma. Shaya Adorador may 11 attacks at Ponggay Gaston nagdagdag ng 10 Points.



Libero Jennifer Nierva nagtala ng 17 excelllent digs at 16 receptions, habang si Alina Bicar gumawa ng 15 excellent sets at six digs para sa Chery Tiggo.

Savannah Dawn Davison pinamunuan ang PLDT sa iniskor na 17 points on 24 attacks at three aces. nagtala rin siya ng 12 excellent receptions.

Erika Mae Santos nag-ambag ng 13 points,11 on attacks, habang si Dell Palomata may nine points, kabilang ang five blocks.

Kathleen Faith Arado nag deliver ng 18 excellent rceptions at 16 digs habang si Fiola Mae Ceballos may six points at 12 digs.