Advertisers

Advertisers

Manalo sasabak sa Qatar World Cup 10 Ball

0 11

Advertisers

MATAPOS ang mahabang pahinga, ay nakatakdang bumalik ang snooker at billiards champion Marlon “Marvelous Captain” Manalo ng Pilipinas sa international circuit kapag sumabak sa money-rich Qatar World Cup 10 Ball sa Dec. 5-14, 2024 sa Ezdan Palace Hotel sa Doha, Qatar.

Ang prestigious 10-ball tournament ay may alok na total pot prize $450,000 at ang mananalo ay makakuha ng lion share na $100,000.

Ang dating chairman ng barangay malamig sa Mandaluyong City at dating presidente ng Association of Barangay Captains ay nabihag ang international billiards circuit sa 2004 ng magwagi laban sa kilalang pool sharks Yang Ching-shun ng Taiwan at kababayan Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante sa knockout stage ng World Pool Championship.



Manalo, na AB Economics graduate sa Jose Rizal University, ay maraming beses nagwagi sa US pool circuit at nakamit ang runner-up kay Reyes sa 2004 World 8-Ball Championship sa Fujairah, United Arab Emirates.

Binulsa rin nya ang silver medal sa snooker na sumegunda kay Bjorn Haneveer ng Belgium sa 2001 Akita, Japan World Games. Sa sumunod na taon sa parehong event, ang 2000 Asian snooker champion at 2008 national champion ay nagawang makapasok sa semifinal round bago yumuko sa eventual champion Wu Chia-ching.

Bagamat malayo siya sa malalaking kumpetisyon sa nakaraang ilang taon, Napanateli ni Manalo ang kanyang sarili na billiards shape sa pag praktis araw-araw sa kanyang sariling pool hall sa Talumpung, Mandaluyong at sa bantog na Star Billiards Center sa Grace Village, Quezon City.