PUERTO PRINCESA CITY, Palawan – Ibinuhos ang puwersa at todo kòsentrasyon ni Jamie Danielle Nirza sa women’s karate para makasalba ng ginto sa pampinaleng araw kahapon ng 11th BIMP- EAGA Friendship Games sa Activity Center ng Robinson’s dito.
Kinatawan ang Philippines Team A, naipamalas ng 18-anyos na si Nirza ang kanyang husay at elegansiya ng kanyang impressive skills upaFg sapat na para makumbinse ang mga hurado sa kanyang ginintuang porma sa individual kata sa suma -total na 36.5 points at maungusan si Malaysia A’s bet Anisa Aira Nur (36.2)para makuntento sa silver.
Si Nasir Abdul ng Brunei at Liew Amerra ng Malaysia B ang sumikwat ng bronze.
“I’m happy to achieve such a feat, and I worked hard for this one. I’m glad na I was able to perform the way I wanted, and I’m happy for my teammates we’re able to perform [well],” sambit ng the first-year nursing student ng Jose Maria College na si Nirza..
“I practiced napo, when I perform, I go there with my very best, and I just feel honored and blessed to bring something that our country can be proud of,” aniya pa.
Bukod sa gold sa torneong pampalakasan ng magkakapit- bansang Brunei,Indonesia,Malaysia ,Philippines na suportado ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman Richard Bachmann at ini-host ng Puerto Princesa sa liderato ni Mayor Lucilo Bayron,nakopo nina Nirza at teammates ang women’s team kata silver sa tallying 34.6 points.
Ang men’s individual at team kata ay kinopo ng Indonesia.
Sa huling update ng medal tally ,nangunguna ang Philippines A na may 12 gold, 17 silver sunod ang Malaysia B (8-8-4), PH Team (3-1-4),PH Team E( 7-3-2) habang 4-4-3 ang Indonesia,3-1-4 ang PH Team B,PH Team D ay 1-1-2 at 0-0-1 ang Brunei. (Danny Simon)