Advertisers

Advertisers

Hangga’t nasa likod ang mga Kongresista ng Maynila, tiyak ang suporta sa mga residenteng nangangailangan

0 18

Advertisers

HANGGA’T ang mga Konggresista ay nasa likuran, ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay tiyak ang suporta sa mga residente ng lungsod na nangangailangan.

Ito ang pahayag ni Mayor Honey Lacuna, kasabay ng kanyang pasasalamat kay Congessman Joel Chua (3rd district) sa paglahok nito sa mga ginagawa ng city administration sa pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng ayuda sa may 500 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Barangay 310, Sta. Cruz, Manila.

Sina Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ay sinamahan ni Chua at ng mga city councilors sa pamamahagi ng financial assistance, relief goods, hygiene kits at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng sunog.



“Ang pag-asang dala ng bawat tulong na ating binibigay ay patunay ng malasakit ng pamahalaan sa bawat pamilyang nangangailangan sa oras ng sakuna. Patuloy tayong magiging katuwang sa kanilang muling pagbango,” saad ni Lacuna.

Samantala, daan-daang mag-aaral sa high school ang nabenepisyuhan at patuloy na nakikinabang sa Career Guidance Advocacy Program ng Manila city government.

Sinabi ni Mayor Honey Lacuna na ang pinakahuling beneficiaries ay ang 300 na mag-aaral mula Tondo High School.

Nabatid na ang lokal na pamahalaan sa ilalim nina Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, ay ginagawa ang nasabing programa sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office at ng Department of Labor and Employment, Division of City Schools of Manila pati na ang mga pinuno ng mga paaaralang concerned.

Sinabi ng alkalde na ang orientation program ay ginagawa upang magabayan ang mga mag-aaral mula senior high school kung anong direkayon ang kanilang tatahakin tulad ng kolehiyo, pagtatratabaho at pagsisimula ng sariling negosyo.

May 700 mag-aaral naman Justice Jose Abad Santos Senior High School ang binigyan ng orientation. (ANDI GARCIA)