Isang sponsorship speech ang inihayag ni OFW Party List Rep. Marissa Magsino sa Committee on Overseas Workers Affairs meeting, ang importansiya sa pagkakaroon ng reintegration programs para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagbalik Pilipinas.
Sa pamamagitan ng House Resolution No. 2056 at House Bill No. 1130, isinusulong nito ang pagkakaroon ng isang komprehensibo at integrated na pamamaraan upang masiguro ang maayos na reintegration ng OFWs, lalo na yaong nakaharap sa problema sa ibang bansa o pina uwi ng bansa ng sapilitan.
Pinaiimbestigahan naman sa resolusyon ang implementation ng reintegration programs ng mga government agencies tulad ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at iba pang institutions.
Kailangan din na magkaroon ng ebalwasyon sa pagiging komprehensibo, epektibo at alignment ng mga naturang programa upang matugunan ang pangangailangan ng nagbabalik na OFWs.
“Mayroon sa mga OFWs ang mapalad na nakapagpundar para sa kanilang mga pamilya at naging komportable ang
pamumuhay pag-uwi sa bansa. Subali’t marami rin ang mga nabigo: mga naging biktima ng mga mapang-abusong amo,
ng illegal recruitment at human trafficking, mababang pasahod at samu’t-saring mga problema. Suma total ay napilitang umuwi sa Pilipinas nang walang-wala at problema pa ang utang na iniwan para lamang makaalis ng bansa. This why in the entire labor migration cycle, the smooth
and sustainable reintegration to society of returning OFWs is critical.,” pagtatapos na pahayag ni Rep. Magsino. (Cesar Barquilla)