Advertisers
NASAWI ang tatlong boy scouts nang makuryente sa isang camping site sa Abong-Abong, Zamboanga City nitong Huwebes.
Sa inisyal na ulat ng barangay officials at ng pulisya, aksidenteng sumabit ang binubuhat ng mga biktimang na mga gamit para sa kanilang tents sa nakalaylay na kawad ng kuryente.
Kaagad namang naisugod sa pagamutan ang mga biktima na hindi bababa sa 10 estudyante, subalit’ tatlo sa mga ito ang napuruhan, binawian ng buhay.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at ng Zamboanga City government sa insidente.