Advertisers

Advertisers

Red-hot Thunder giniba ang Clippers

0 4

Advertisers

PATULOY na paggulong ng Oklahoma City Thunder, nakopo ang kanilang 13th straight game matapos pasabugin ang Los Angeles Clippers,116-98, sa Paycom Center sa Oklahoma Biyernes ( Manila time).

Pinamunuan ni Shai Gilgeous-Alexander ang atake ng Thunder sa iniskor na 29 points,eight assists,three rebounds at two steals. Jalen Williams nagdagdag ng 18 marka,four dimes,three boards,two steals at swat.

Ang layup ni Ivica Zubac ang nagtabla sa laro 57 all sa third quarter, ang dalawang team ay nagpalitan ng baskets.



Ang sunod sunod na jumpers nina Kris Dunn at Amir Coffey ang gumawa sa 12-point deficit, pero na outscored ng Thunder ang Clippers 11-5 minsan pa para itulak ang lamang sa 18,90-72.

Isaiah Hartenstein at Ajay Mitchell nag-ambag ng tig-11 puntos para sa 28-5 Thunder.Tampok ang nine rebounds,six assists,two blocks at steal,habang sa huli ay nagsalpak ng dalawang 3-pointers.

Coffey pinamunuan ang 19-15 Clippers sa iniskor na 26 points, three rebounds at two assists. Ang bisita ay naglaro na wala ang kanilang star James Harden, sa labas dahil may right groin soreness. Mo Bamba nagdagdag ng 12 points,habang si Kevin Porter Jr.at Zubac bumakas ng tig-11 points.