Advertisers
Totoo ang kasabihang ” walang forever” sa kaso ng Phoenix Petroleum at Hidilyn Diaz, ang kauna-unahan nating gold medalist sa Olympiada..
Sa malaking karangalan natamo ng babaeng weightlifter para sa bansa noong 2020 Tokyo Olympics ay pinangakuan siya ng oil company ng libreng gasoline habang buhay.
Ngayong sobrang taas ng presyo ng petrolyo dahil sa giyera sa Middle East ay naglabasan sa social media ang mga meme na nagsasaad na sobrang swerte ni Hidilyn dahil sa handog ng naturang kumpanya ng langis.
Ang daming ngang naiinggit sa biyayang ganire lalo pa sa panahon ngayon.
Kaso naghayag din kaagad ng paliwanag ang manedyer ng Olympian na totoo na may gaanoong pangako ang pagmamayaring negosyo ni Dennis Uy subali’t hindi naman tinupad ito.
” Oo may anunsyong ganyan pero wala namang ibinibigay sa ngayon,” paliwanag ni Noel Ferrer, handler ni Diaz.
Bad publicity ito sa kanila. Damage has been done
Sang-ayon naman sa kalatas ng PP ay tinupad nila ang anunsyo sa loob ng dalawang taon.
Natigil lamang daw ito ng nang nag-commit na ang kampo ng Olympian sa ibang brand na kanilang kalaban.
Minsan daw ay nag-request sila na i-post naman ni Hidilyn ang premyong ito sa kanyang facebook account. Kaso tumanggi ito at inaming may kasunduan na sa iba. Hindi na rin daw nakipag-ugnayan pa mula noon ang world champuon.
Talo dito sa mata ng tao ang Phoenix. Sa tingin ng marami ay sila ang mali. Kasi may usapan ba na kapag pumirma ng kasunduan sa katunggali ay mahihinto ang dating regalo? Yan ang problema. Malamang wala. Hinandog yun ng kusa para sa Big W ng manlalaro at dapat walang kundisyones.
Eka nga ni Tata Selo ay maliit na pera lang yon. Siguro P2 to 3k kada linggo o P100k bawa’t taon. Kaso nga hindi tama ang pagkakaayos sa suliranin.
Baka nga iboycott pa sila ng taong bayan niyan.
Hala, kayo kasi. Bagsak sa crisis communications ang public relations department nila.
***
Isa sa sikteto ng elementary girls team ng Quezon City ay ang mga coach nila.
” Maraming salamat po kina Sir Dexter at Sir John, pati po kay Ma’am Cynthia Furio,” sabi sa30 atin ni Esther Varela, 6th grader sa Aguinaldo Elementary School.
Numero uno sa Palarong NCR nitong unang linggo ng Marso sina Varela at Reese Valerie Barbosa.
Proud na proud ang AES sa Cubao kung saan sila nag- aaral.
***
Nakabalik na sa line-up ng LA Lakers mula sa injury si LeBron James sa panalo nila kontra sa Chicago kahapon. Dahil sa W na 142-130 ay sila na pangatlo sa Western Conference ng NBA.
Gumawa si LBJ ng 18 points, 7 rebounds at 7 assists. Sa game na ito umiskor si Luka Doncic ng 51 at si Austin Reaves ng 30.
May mahalagang papel pa rin si Lolo Bron sa purple and gold.