Mayor Honey nagpasalamat sa lahat ng mga kawani ng nat’l at local gov’t na tumulong sa tagumpay ng ‘Traslacion’
NAGPASALAMAT si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng national at local government na tumulong sa mapayapa at maayos na ‘Traslacion’ nitong taon. Pinasalamatan din ng alkalde ang joint team ng department of public services ng City Hall at Metro Manila Development Authority personnel na mapanatiling malinis ang Burnham Green, Quirino Grandstand area at ang ruta ng prusisyon.
Ikinalulungkot din ng lady mayor bagama’t isolated na pangyayari ang ang rambulan na naganap sa pagitan ng mga deboto at sa pagitan ng mga deboto at mga pulis sa ibabaw ng Ayala Bridge, expressing at umaasang ‘di na uli ito nangyayari sa susunod na taon.
Pinuri ni ang mga miyembro ng Manila Police Distrcit (MPD) sa ilalim ng liderato ni PGen. Arnold Thomas Ibay, na nanatiling nakatindig sa kabila ng mga mga pangyayari.
“Alam n’yo po, walang masamang intensiyon ang ating mga kapulisan. Nais lamang po nilang maiwasan ang kaguluhan na nangyari na nga at sumusunod lamang po sila sa napag-usapang plano ng lahat ng sangkot na government agencies at maging ng Simbahan, para sa maayos na daloy ng ating Traslacion. Nakakalungkot na may mga nasaktan sa pangyayari na hindi naman sana dapat naganap kung pinakinggan lamang po natin at sinunod ang ating mga itinalagang awtoridad,” saad ni Lacuna.
Nabatid sa alkalde na may isang pulis na nasaktan nang magawang mapasok ng grupo ng mga deboto ang police ranks, na ‘di alintana ang pakiusap ng mga awtoridad na wag tumawid sa nasabing tulay. Gusto ng mga deboto na salubungin ang prusisyon sa gitna upang mas malapit sa imahe ng Itim na Nazareno.
Sa kaugnay na pangyayari, pinuri din ni Lacuna ang mga sweepers na agad na naglinis ng mga basura na iniwan ng mga deboto sa kalye. Sila ay sinamahan ng team na idineport ni City Engineer Moises Alcantara.
Maging ang Burnham Green sa harapan ng Quirino Grandstand at ang buong lugar kung saan daan libong mga deboto ang nag-vigil sa bisperas ng Pista ng Itim na Nazareno ay agad na nalinis ang madaming volume ng basura na iniwan ng mga lumahok sa aktibidad.
Sa dami ng partisipante na umabot sa halos 8M katao, sinabi ni Lacuna na ang ‘Traslacion 2025’ ay mapayapa sa kabuuan nito at walang nasawi o serious injuries o mga naiulat na insidente. (ANDI GARCIA)