Advertisers

Advertisers

KANDIDATONG KONSEHAL TINODAS!

0 12

Advertisers

AGAD nasawi sa mga tama ng bala ang isang kandidato sa pagka-municipal councilor nang tambangan sa Barangay Central Katingawan sa Midsayap, Cotabato, takipsilim nitong Sabado, January 18, 2025.

Kinilala ang biktima na si Jerry Beltran Dopredo, 46 anyos, isa sa mga kandidato para sa Sangguniang Bayan ng Northern Kabuntalan sa Maguindanao del Sur, kalapit lang ng Midsayap na nasa unang distrito ng probinsya ng Cotabato.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Linggo ng mga opisyal ng Cotabato Provincial Police Office at ni Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng Police Regional Office-12, sakay ng kanyang motorsiklo si Dopredo patungo sa kung saan nang tambangan ng mga armado sa liblib na bahagi ng highway sa Barangay Central Katingawan, Midsayap.



Mabilis na nakatakas ang mga pumatay kay Dopredo gamit ang isang motorsiklo, ayon sa mga imbestigador ng Midsayap police force at barangay officials na nag-responde sa insidente.

Ayon sa kanyang mga kababayan sa Northern Kabuntalan, nagkandidato din sa pagkaka-chairman ng isa sa mga barangay sa kanilang bayan si Dopredo noong 2023 barangay elections, ngunit hindi pinalad na mahalal.

May teorya ang kanyang mga kakilala at ang mga opisyal ng Midsayap Municipal Police Station na may kinalaman sa pulitika ang pagpatay kay Dopredo.

Ang probinsya ng Maguindanao del Norte, na sakop ang Northern Kabuntalan, ay isa sa limang mga probinsya ng Bangsamoro region na maraming election hotspots, na may mga nagaganap na kaguluhan tuwing may eleksyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">