Advertisers
MGA espiya ng pulahang tsina. Sa wakas na totoo ang hinala ng mga kinauukulan na may mga espiya na pinakawala ang pulahang tsina na nagmamasid sa mga kampo ng ating katihan sa matapos madakip ang isang tsino at mga kasapakat nitong Pilipino. Lulan ang isang sasakyan puno ng mga gadget na ginagamit sa pagmanman katulad ng Lidar system na kinukunan ang lupain at isinalin sa digital format. Ang nakakabagabag dito ay may kakayahan ang kagamitan ng tsino na ipadala ang datos na nakalap nito sa anumang bahagi ng daigdig;
Ang tsinong si Yuanqing Deng ay isang technical software engineer na kasapi ng People’s Liberation Army University of Science and Technology. Bihasa siya sa pagbuo ng surveillance equipment at paggamit nito. Nadakip siya kasama ang dalawang kasapakat niyang Pilipino sa isang bitag. Hindi lang ito ang kaso na may nadakip na mga espiyang intsik.
Nangyari na ito noon, sabay ang pagkuha ng mga underwater drones, ito na ang katibayan na lalong pinaigting at mas nagiging agresibo ang pulahang tsina sa kanilang espionage activities. Kahit paano nagpapasalamat ang inyong abang lingkod dahil dito, ipinakita ng pulahang tsina ang dalawang bagay: Nagiging labis na kampante sila na nagiging dahilan ng pagkadakip sa mga ahente nila, at nasilip ng military intelligence ang modus nila.
Ang layunin ng lahat ng ito ay, kapag sumambulat ang sigalot, madali nila tayong sakupin sa tunggalian. Uulitin ko; ang pulahang tsina ay kailanman hindi dapat pagkatiwalaan. Sampu ng kanilang kasapakat na Pilipino, sila ang mga tunay kaaway na nararapat balatan ng buhay sa lansangan. Harinawa maging lalong maagap at naka-abat ang sambayanang Pilipino at kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian at Mabuhay ang Pilipino na kailanman hindi magpapasiil!!
***
Kahit sinong may matinong pag-iisip, mahirapan hindi sumang-ayon sa sinabi ni Juan Ponce Enrile tungkol sa ginawang peace rally ng INC. Bagama’t isang tinaguriang Peace Rally, hindi maaaring ikaila na ang layunin nito ay naimpluwensyahan ang isang hiwalay at malayang sangay ng pamahalaan upang hindi nito maayos na gampanan ang kanyang tungkulin na sang-ayon sa Saligang Batas. Malinaw ito sa mga talumpati sa naturang Peace Rally.
Ani Tito Johnny: ang Peace Rally ay naging mapayapa ngunit mayroon bang mga hinaing na natugunan? Wala. Kahit kalipi o kadugo kita Tito Johnny, kapag taliwas ang iyong pananaw o paliwanag, hindi kita kakatigan. Ganyan po ang aking pananaw. Subalit kapag tama ang dahilan mo kahit shet ka sa akin ipagtatanggol kita. Aba Tito Johnny, nakapuntos ka na naman! May tama ka na naman.
***
MALAPIT ang puso ko sa mga auditor dahil ang babae sa buhay ko ay isang CPA. Bukod dito ang paniwala ng abang peryodistang ito ay ang numero ay hindi nagkakamali. Ito ay totoo lalo na pagdating sa financial statements. Ang GAA o General Appropriations Act ay halimbawa nito. Ang GAA ay tumatalakay sa gastusin na kinakailangan ng bawat ahensya ng pamahalaan. Ito ang pinaka- komprehensibong pagkukunan ng datos tungkol sa gastusin ng pamahalaan. Ibig sabihin malinaw at madaling arokin ng sinuman ito.
Ang nakakagalit ay sinabi ng dating pangulo na serial killer na ito ay may mga bahaging naiwan na blanko ng ganoon maaaring punuin lang ng ito ng presidente na halintulad sa isang blankong tseke! Dahil sanay na ang inyong abang lingkod sa estilong bulok ni Duterte, hindi ko pag-ukulan ng panahon ito. Ngunit nagagalit ako dahil may tigas siya ng mukha na magparatang ng ganitong kasinungalingan. Isa lang masasabi ko: sa presinto ng ICC ka na lang magpaliwanag.
***
mackoyv@gmail.com