Advertisers

Advertisers

PAMANANG PAGKAGAHAMAN

0 3

Advertisers

SANGKATERBA ang narinig nating mga haka-haka, opiniyon, at kwento sa pagkamatay ni retired Public Works and Highways undersecretary Maria Catalina Cabral.

May mga usapin din kung sino ba ang makikikinabang sa pagkamatay ni Cabral, o’ kaya’y sino ang nagpapatay? Bakit siya nagpakamatay? Mga katanungan na kahit sino ay pwedeng mag-imbento ng kasagutan na maari nating paniwalaan.

Pero huwag muna tayo makigulo diyan,
isa lang ang totoo sa isyu na iyan, yan ay dahil sa korupsiyon at pagkagahaman at naniniwala ako ang korapsyon sa DPWH ay dinesign ng mga impaktong contractor noong araw pa.

Back in 2001 may nagyaya sa kin na humingi daw ng project sa DPWH basta i-advance daw niya ang 10%. Wow! Hindi naman engineer yung kausap ko. Pero nakakakuha ng project. Isang Usec “P” ang nalalapitan nila noon. Ang “offer” nagsimula talaga sa kontratista. Ang masaklap, nasilaw ang mga taong gobyerno. At heto, dito na nga humantong. Lumala ang diskarte nila mula sa 10%, lumaki dahil nag aagawan sa project kaya palakihan ng “lagay”.

Dahil malaki ang lagay, kailangang makabawi sa profit. Kung dati, substandard materials, naging overpriced, then sa huli “ghost” na.

42 years nagserbisyo si Usec Cabral. I am very sure, hindi siya nagsimulang ganyan. Kinain na siya at mga kasama niya ng sistemang naimbento ng mga contractor.

Lalo na at ang mga impakto ay sumali sa politika at mga nanalo. Nakopo na nila lalo ang kaban ni Juan.

Hindi kasi magsisimula ang “alok” sa DPWH dahil may bidding. Bakbakan ng diskarte ang mga bidder. So, palakihan ng lagay. Pagalingan ng gapang. Lalo na kung naging mayor, congressman o governor ang mga magnanakaw.

Tama ba?

Mga politiko na sandamakmak ang kuwarta? Huwag na kayo magtaka kung saan nila kinukuha ang pera. Babawiin nila lahat ‘yan.

Natuto na sana tayo dito. Mas maging transparent na at mahigpit sa proseso. Open! Kapag kasi nakatago, nagkakamilagro.

Ilang matitinong opisyal pa ang masisira ang pangalan at dangal dahil sa mga ganid? Nagkadamay-damay na sila. Naging iisa na lang ang kalikaw ng bituka nila.

Yan ang pamanang pagkagahaman.

P.S.
Yung nagyaya sa kin na kumuha ng project hindi ko pinatulan dahil ang tingin ko diyan parang shabu. Kailanman hindi ko tinikman dahil babalik at babalik ang karma sa anumang kalokohan.