Advertisers

Advertisers

5 LTO enforcers sa viral video sa Bohol sinibak

0 32

Advertisers

TINANGGAL na sa serbisyo ang limang traffic enforcers ng Land Transportation Office (LTO) na sangkot sa viral na insidente sa Panglao, Bohol, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Inihayag ni DOTr Secretary Vince Dizon nitong Lunes, Marso 3, ang agarang pagkasibak sa puwesto ng limang tauhan ng LTO.

“I would like to announce in behalf of the DOTr and LTO, we are, effective today, dismissing the law enforcers involved in the incident in Panglao, Bohol. Sila ay na-dismiss kaagad,” pahayag ni Dizon.



Sa viral video, makikita ang traffic enforcer na “inaresto” ang isang lalaking nakasakay na motorsiklo sa operasyon nito, Pebrero 28.

Nakunan din sa video ang isang enforcer na may hawak na kutsilyo at tinutukan ang lalaki. Maririnig namang sumisigaw ang lalaki na isa siyang magsasaka kaya may dala siyang itak.



Matatandaang ipinag-utos din ni Dizon ang preventive suspension sa mga traffic enforcer Marso 1.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">