Advertisers
May kabuuang 30 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P204 milyon ang nasabat sa buy-bust operation sa isang resort and events place hotel sa Norzagaray, Bulacan nitong Huwebes, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sinabi ng PDEA na tatlong suspek ang naaresto sa entrapment operation.
Naaresto ang mga suspek nang magbenta ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon na nasa loob ng mga plastic bag sa isang poseur-buyer, ayon sa PDEA.
Habang sinusuri ng mga awtoridad ang mga gamit ng mga suspek, sinabi ng PDEA na 28 na kilo pa ng shabu na nagkakahalaga ng P190.4 milyon ang nakuha.(Thony D. Arcenal)