Advertisers

Advertisers

PULIS NA BUMUNOT NG BARIL VS RIDER KAKASUHAN

0 5

Advertisers

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na magsagawa ng imbestigasyon sa insidente sa kalsada na kinasasangkutan ng unipormadong pulis sa Sta. Ana, Maynila noong araw ng eleksyon.

Base sa viral video, sa kasagsagan ng trapiko, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang pulis at isang civilian rider na nauwi sa paglabas ng kaniyang armas.

Ayon kay Marbil, inilipat na sa District Personnel Holding and Accounting Section ng Manila Police District ang nasabing pulis.



Isinuko na rin ng pulis ang mga inisyu sa kaniyang mga armas habang hinihintay ang resulta ng administrative proceeding.

Sa ngayon, nasampahan na rin ito ng kasong grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Saad pa ni Marbil, hindi nila pinahihintulutan ang anumang iregularidad sa kanilang hanay at may naghihintay na parusa sa mga lalabag dito.