Advertisers
Arestado sa NAIA Terminal 1 ng Bureau of Immigration (BI) ang isang ina dahil sa pagbebenta ng sariling anak na babae bilang mail-order bride sa isang Chinese national.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, natimbog noong May 13, ng immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang tangkang trafficking case habang papasakay ang mag-ina sa Philippine Airlines flight patungong China.
Ang 42-anyos na babae at kanyang anak ay nai-turn over na sa IACAT para sa imbestigasyon.
Pagdating ng secondary inspection ay sinabi ng anak sa BI na patungo sila ng China upang makasama ang kanyang mapapangasawa na isang Chinese citizen. Nagprisinta din siya ng pekeng marriage certificate.
Lumitaw sa imbestigasyon na hindi alam ng anak na siya ay ikakasal dahil ina lamang niya ang nag-areglo nito. Ipinakilala umano sa kanya ang lalaki noong March 11 at matapos ang kasalan ay binigyan siya nito ng P5,000 at sinabi umano ng lalaki na magbibigay din ito ng suportang pinansiyal sa kanyang pamilya. (Jerry S. Tan)