Advertisers

Advertisers

SUNOG SA BULACAN: 4 NALITSON NG BUHAY

0 32

Advertisers

NASAWI ang isang ginang at tatlo nitong anak nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Sta. Maria, Bulacan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), Huwebes ng umaga, may dalawang lalaki na sumisigaw ng sunog kaya agad sinira ang gate ng bahay ng mga biktima.

Ayon kay SFO3 Alfredo Hernandez, chief fire investigator ng BFP-Sta. Maria, natagpuan ang sunog na katawan ng 1-taon gulang na batang lalaki sa higaan, habang ang dalawa niyang kapatid na nasa edad 3 at 6 nakita sa banyo na umiiyak at nakulong ng apoy.



Nadala pa sa ospital ang mag-iina subali’t binawian din sila ng buhay.

Wala sa bahay ang padre de pamilya nang mangyari ang insidente dahil pumasok ito sa trabaho sa Batangas.

Patuloy ang pagsisiyasat sa sanhi ng sunog.