Advertisers
MISMONG sa proclamation speech ni topnotcher Senator Bong Go ay special mention ang larangan ng SPORTS na kanyang prayoridad na programa niya sa paglarga ng mga aksyon ng ating mga bagong halal na mambabatas para sa susunod na anim na taong termino sa 20th August Chamber.
Aniya,mas maigting ang kanyang suporta sa proyektong pampalakasan sa bansa upang mas marami ang mga kabataang pòtensyal na matutuklasang mga pambansang atletang magbibigay ng karangalan sa bansa pagsabak nila sa international na bakbakan na ang magiging battlècry ng ating mga pambatong bayani ay GO for gold!
Ang bansang angat sa larangan ng sports ani SBG ay sumasalamin sa estado ng ekonomiya nito at sukatan ng kalusugan ng sambayanan at ito ay napatunayan na sa mundo ng bakbakan sa mga arena at mga bulwagan.
Op kors tampok ang kanyang trademark na programang MALASAKIT sa aspèto ng kalusugan ng sambayanan in all walks of life- isa sa pinakamalaking dahilan upang inihalal siyang muli ng halos 30 milyones( kung nabilang lahat) ng botanteng Pilipino bilang sukli sa kayang kabutihan at taos- pusong serbisyo 24/7 mula day one ng kanyang naunang termino.
Kabilang din sa kanyang fist day in office ang pagbusisi sa galawan ng Philhealth upang ang pakinabang dito at para sa tao at di ng iilan lamang na masisibang buwitre sa pamahalaan na kataka-takang walang pananagutan sa batas at sa bayan.
Kaya dapat nang mag-behave ang Philhealth dahil bantay kayo ni SBG….Mismo!
Taos pusong nagpasalamat si Senator Go una sa Panginoon , kaý FPRRD, VP Sara, katiket sa DuterTEN at sa Sambayanang Pilipino na instrumental sa kanyang tagumpay..
MABUHAY!
***
PUGAY KAY KONSI ROGER CATOLOS NG TANAY!
SUSUKLIAN ng wagas na serbisyo sa bayan ng Tanay ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng kababayang Tanayeños dahil sa unang sabak pa lang niya sa politika ay panalo agad siya bilang Councilor ng Tanay Sangguniang Bayan sa ginanap kamakailang Midterm National & Local Elections 2025.
Aniya, di niya bibiguin ang kanyang kabayang mataas ang ekspektasyon sa kanya kaya sa mga unang araw pa lang kanyang termino ay deretso na ang kanyang serbisyong tunay para sa mga kabataan, adults, senior citizens, PWD’s at vulnerable sectors ng bayan at di ito isang ningas-cogon lamang.
Ang sports and health enthusiast na si Konsi RC ay paiìgtingin din ang kanyang sports program na ang pakinabang ay ang disiplinado, ambisyoso,
livelihood at mabisang paraan upang maiwas sa masamang bisyo ang mahal niyang mga kabataan.
Nagpasalamat si Councilor Roger Catolos sa todo suporta mula kay Mayor Tanjuatco, sa kayang kasangga at colleague sa Konseho, sa kanyang brod -in -law na si businessman/ sportsman Master Crisanto Cuevas at kay Mrs Cuevas ( US- based) at sa buong sambayanang Tanay. Asahan ninyo na sa pamunuan ni Mayor Tanjuatco at buong Konseho ay hayahay ang buhay ..hane po..MABUHAY !
LOWCUT; Special shoutout kina Ms Deah Ricacho, Al Arenas at LP3 ng SBG’s office, kudos kay JM Kua, kay Ms Nicole Catolos ng Raven Sikaran Tanay at kay SG Vhergel Divina. SALUDO sa inyo!