Advertisers

Advertisers

Mag-asawa hinoldap at pinatay ng 2 tauhan

0 15

Advertisers

NAARESTO sa Butuan City, Region 13, ang dalawang lalaking pumatay sa kanilang mag-asawang amo na may-ari ng isang local chicken inasal-style na kainan sa Marawi City, at ninakawan pa ng pera at mga alahas nito lang nakalipas na linggo.



Naaresto ang mga suspek nitong Sabado sa Barangay Dulag sa Butuan City, kungsaan sila nagtago matapos isagawa ang krimen.

Nagtulungan ang Police Regional Office-13, Butuan City Police Office, Marawi City Police Office at si Mayor Majul Gandamra, chairman ng Marawi City Peace and Order Council, sa law-enforcement operations na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang salarin.