Advertisers
Todas ang 15-anyos na binatilyo nang masagasaan ng trak na minamaneho ng kanyang sariling ama sa loob ng isang demolition site sa lumang Pasig City Hall building nitong Huwebes, Mayo 23, 2025.
Nangyari ang trahedya ala-1:45 ng hapon nang paandarin ng ama ng binatilyo ang kanyang minamanehong dump truck. Naramdaman na lamang umano nitong may nasasagasaan ang kanyang likurang gulong.
Nang itsek ng ama ang ilalim ng trak, nakita nito ang duguang anak. Agad humingi ng tulong ang ama sa kanyang mga kasamahan na nag-report sa mga trabaho sa trabaho.
Idineklarang dead on arrival ang biktima 2:10 ng hapon.
Sa imbestigasyon, lumalabas na natulog ang biktima sa ilalim ng trak at may takip itong canvass kaya hindi napansin ng ama nang paandarin ang sasakyan.
Nagtratrabaho umanoi ang binatilyo bilang pahinante sa trak ng ama.