Advertisers
Umaabot sa P3,438,760 halaga ng shabu ang nakumpiska sa naaresto bigtime tulak sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Quezon City Police District (QCPD), nitong Huwebes, Mayo 22, 2025 sa Barangay Tandang Sora ng lungsod.
Sa ulat ni PMaj. Elvin S Ballesteros, OIC ng DDEU, kinilala ang suspek sa alyas “Abdul”, 22- taong gulang, at residente ng Barangay Culiat, Quezon City.
Nadakip ang suspek 2:55 ng hapon, Mayo 22, nang bentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P41,000 ang pulis na nagpanggap na buyer sa ikinasang buy-bust operation.
Nasamsam sa suspek ang kabuuang 505.7 gramo ng shabu na may halagang P3,438,760, isang iPhone 12, isang karton na kahon, at buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa Sections 5 (Sale) at 11 (Possession).(Almar Danguilan)