Advertisers

Advertisers

Lisensya ng rider na tinakpan ang plaka para makaiwas sa NCAP sinuspinde

0 26

Advertisers

PINATAWAN ng 90-araw na suspensyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang motorcycle rider na sinadyang takpan ang plaka ng kanyang motorsiklo para makaiwas sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP).

Sa viral Facebook video, makikitang tinakpan ng packaging tape ang huling tatlong letra ng plaka ng motorsiklo upang hindi mabasa ng NCAP camera. May caption ito na “NCAP? No problem, magaya nga”.

Ayon kay LTO Chief, Asec. Sinabi ni Atty. Vigor D. Mendoza II, malinaw na pambabastos ang ginawa nitong rider na ipinagmalaki pa nito sa kanyang social media account.

“Maliwanag na isa itong pambabastos sa batas. Gaya ng sinabi ng ating DOTr Secretary Vince Dizon, hindi na papayag ang pamahalaan sa mga motoristang katulad nito,” ani Asec. Mendoza.

Nag-isyu narin ang LTO ng show cause order laban sa nakarehistrong may-ari ng motorsiklo.

Pinahaharap ang may-ari ng motorsiklo sa LTO Central Office upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat na magdulot ng paglabag sa Section 18, Paragraph 2 ng Republic Act 4136 (Use of Number Plates) at maaaring ituring na “improper person” na magmaneho ng sasakyan.

Inatasan din ang may-ari na agad isuko ang kanyang driver’s license bago ang itinakdang pagdinig.

Inilagay narin sa alarm status ang motorsiklo habang iniimbestigahan ang kaso.