Advertisers

Advertisers

Albie inatake ng takot nang malamang magkakaanak na

0 26

Advertisers

Ni Beth Gelena

PRESENT si Angelica Panganiban sa pagpupulong ng Virgin Labfest bilang debut ng play na “Don’t Meow for Me Catriona’ bilang parte ng Virgin Labfest’s 20th year.

Paano ba muling napaarte ang Kapamilya aktres?

Kasama ng aktres ang kaibigang direktor na si Andoy Ranay nang may makasalubong silang kaibigan at tinanong siya kung gusto niyang umarte sa teatro.

“Sabi ko ‘sure!’ Chinarot-charot ko lang sila, ‘di ko naman akalain na seryoso pala,” ani Angge.

Nang matanggap niya ang material at nabasa agad daw na nag sink-in sa kanya ang karakter.

“Ever since talaga, may interest ako talaga (sa theater,) may mga nagtatanong-tanong naman noon. But apparently schedule at lakas ng loob, wala pa ako noon,” wika ni Mrs. Homann.

Matagal ding nabakante sa pag-arte si Angge kaya may doubt siya sa sarili kung kaya pa ba niya?

“Nung in-offer nila sa akin ‘yung script nila, ‘Direk,’ sabi ko, ‘lumundag ako, hinayaan kong lamunin ako nung takot ko, nung doubts ko sa sarili ko and patunayan ko sa sarili ko na kaya ko talaga,” pakli niya.

Ang mga kaibigan ni Angelica, families at colleagues ay excited nang mapanood ang pagbabalik acting ng actress hindi sa small screen o wide kundi sa entablado.

Katunayan sa schedule opening at closing daw ng play ay sold out na ang tiket.

Ang co-actor niya sa play na si Pewee O’Hara ay all praises kay Angelica na reunion project nila. Una silang nagkasama noon sa Santa Santita.

Mapapanood ang VLF XX: Hinog sa June 11-29 at the Tanghalan Ignacio Gimenez of the Cultural Center of the Philippines.

***

MEGAN AT MIKAEL MASAYANG WINELCOME ANG KANILANG BABY BOY

MASAYANG ibinalita ng celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez ang kanilang bundle of joy sa kanilang IG account.

Very proud parents sila sa pag-welcome ng kanilang unang baby.

Sa Instagram ng Kapuso aktres, masaya niyang inanunsiyo na siya ay nanganak na.

Pinost din Mikael ang una nilang anak ni Megan.

“Welcome to the outside world, our little one! It’s been a week with him and we’re filled with so much love,” ani Megan sa IG.

“An explosion of overwhelming emotions, new chapter unlocked,” sey naman ng proud father na si Mikael.

Komento ng netizens:

“Most anticipated Miss World baby yarn!”

“No words can express how happy I am for you both.”

“OMG! Congrats, Queen! Welcome to the journey of motherhood!”

“Finally! Congratulations, Megs and hubby! Welcome to the world, Baby Jin!”

“Our Best Miss World ever will be the best momma to her bebe. Congratulations, Megan!”

***

MULA nang dumating sa buhay ni Albie Casino ang anak na si Baby Roman ay ang laki ng impact nito sa aktor.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram page ang kanyang larawan habang karga ang anak.

Nang malaman daw niya noon na magkakaroon na siya ng anak ay inatake siya ng takot.

Pero nang dumating na si Baby Roman, naiba na ang takbo ng kanyang buhay.

Aniya sa isang panayam: “I was always worried that l’d let myself go once I had a child. But having roman just gave me more motivation to stay in shape to be a good example.”

Giit pa ng aktor, para rin ito sa kalusugan at masigurong mas mapangalagaan ang pamilya.

“Any dads out there who want to get their fitness journey started send me a message let’s ditch the dad bod for a father,” sey ng aktor.