Advertisers

Advertisers

3 binatang senglot ‘missing’ sa Bulacan

0 33

Advertisers

TATLONG binatang nag-inuman ang iniulat ng mga awtoridad na nawawala nang pumunta umano sa isang kubo para magbanlaw ng tagay sa Bulacan.

Kinilala ang mga nawawala na sina Erick Merdegia Simple, 21 anyos; Jomar Claus Aluan, 29; at John Paul Villaflor Natividad, 23, tubong Nueva Ecija, pawang stay-in sa isang apartment sa Brgy. Patubig, Marilao.

Sa public advisory ng Marilao Police nitong Sabado, Mayo 31, nalamang nag-inuman ang mga ito sa kanilang tinutuluyang apartment kasama ang ilang co-workers hanggang sa magkayayaang “magbanlaw” o ituloy sa labas ang tagayan.



Nabatid na lulan ng motorsiklo (Yamaha Sniper) ang tatlo patungo sa direksyon ng Bocaue para ituloy ang tagay sa tinawag nilang “kubo”, na ayon sa impormasyon isang beer house.

Mula noon hindi na nakabalik sa kanilang apartment at trabaho ang tatlong binata, kaya ipinaalam ng kanilang supervisor sa kanilang pamilya at nai-report sa mga awtoridad ang nangyari.



Nanawagan ang pulisya na kung may nakakita o nakakaalam sa kinaroroonan ng tatlong indibidwal ay makipag-ugnayan o tumawag sa kanilang himpilan sa 09985985385.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">