Advertisers

Advertisers

3 ‘TRANSPORTERS’ NG KAMBING NILOKO AT PINATAY, IUUWI NA SA BATANGAS

0 193

Advertisers

NAKATAKDA ng iuwi sa Calatagan, Batangas ang mga labi ng tatlong taga-hatid ng mga hybrid na kambing na pang-breeding na malinaw na niloko, kinidnap at ninakaw pa ng mga gamit bago ginapos, pinatay at inilibing sa mababaw na hukay sa Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao del Sur.

Nahukay ng mga pulis at barangay officials noong Biyernes, May 30, 2025, ang mga bangkay nila John Luis Olarte, Gerry Olarte at Ronald Alumno sa isang liblib na lugar sa Sitio Goma, Barangay Nabundas na nakagapos ang mga kamay sa kanilang mga likod.

Nagtungo ang tatlo sa Nabundas upang maghatid diumano ng mga hybrid na kambing sa isang kontak na malinaw na gumamit lang ng pangalang Khomeini Bunsuan Tan upang makapanloko. Ang tatlo ang siyang tagahatid ng isang goat farm sa Batangas, nagbebenta ng Boer goats na imported ang lahi, sa mga bumibili sa iba’t ibang rehiyon.



Sa ulat ng local executives at ng mga opisyal ng PRO-BAR, ang tatlo ay sakay ng isang Mitsubishi L300 na close-type cargo van na may kargang mga kambing. Dinala ang mga ito ng lalaking kunwari bibili sa kanila sa isang liblib na lugar sa Nabundas, at doon pinatay at inilibing sa isang mababaw na hukay.

Unang naiulat ng kanilang mga kamag-anak sa mga unit ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang pagkawala ng tatlo dalawang linggo bago nadiskubreng nakidnap sila.



Magkatuwang ang PRO-BAR at ang 6th Infantry Division ng Philippine Army, na parehong sakop ang Maguindanao del Sur province, sa pagpapa-airlift ng mga labi ng tatlo sa Air Force C-130 aircraft.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">