Advertisers
DILIMAN, Lungsod Quezon — Habang pinuri ng maraming sektor si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa ginawang rigodon sa kanyang Gabinete na humantong sa pagbitiw ng mga department head mula sa kanilang puwesto at pagkaka-demote ng iba sa mababang posisyon sa gobyerno, marami pa ring humihiling na aalisin ang mga tinaguriang ‘unfit’ sa kanilang trabaho.
Nagpahayag ang mga maimpluwensyang negosyante at business group ng kanilang suporta dito para sabihing may tunay ngang mga kalihim na hindi nakapag-perform sa antas na inaasahan sa kanila, sa kabila ng magandang performance ng Marcos economic team.
Subalit dala ng ilan ding opisyal ang kritisismo ng publiko at gayun din ng pribadong sektor—na nagparunggit na kung hagayaan ang mga itong manatiling pa sa pamahalaan ay masasayang lang ang pinapasuweldo sa kanila na galing sa dugo’t pawis ng mamamayan mula sa kanilang buwis sa suweldo.
Tignan na lang ang situwasyon sa Climate Change Commission (CCC) na nasa ilalim ng Office of the President. Ito’y walang maipapakitang pruweba ng tapat na pagtupad ng tungkulin simula nang matatag ito may 16 na taon na ang nakalipas.
Ano nga ba naman ang aasahan mula sa isang career diplomat na usang Duterte appointee bilang executive director ng komisyon at walang basic qualification of experience sa larangan ng climate change.
Kung may nakita man ang mga local government unit (LGU), partikular na taong nakaranas at naghirap sa matinding epekto ng global warming, at maging mga environmental group, na nagawa ng CCC ay ang kabiguan nitong isulong ang accessibility at utilization ng People’s Survival Fund (PSF). Bukod pa ito sa kapalpakan na paaksyunin ang mga LGU sa pamamagitan ng kani-kanilang local climate change action plan (LCCAP).
Ayon sa mga cause oriented group, kung mayroon mang nagawa ang chairman ng CCC ay ang bumiyahe sa kung saan-saan para itulak daw ang climate action habang nakikipagbatian at kamayan sa mga foreign dignitary.
Sa pagpapatuloy, ano bang kabutihan ang nagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaugnay ng ‘lousy service’ sa kanilang mga kliyente’t parokyano sa mga water district sa Kamaynilaan? Hindi maitatanggi na palpak din sila dahil pumipila pa rin sa tubig ang ilang kababayan natin.
Bilang panghuli, paulit-ulit na lang na kontrobersiya ang pamamahagi ng ‘ayuda’ dahil maraming mga politiko ang ginagamit ang pagbibigay tulong para isulong ang kanilang personal na interes at mapanatili ang sarili sa posisyon ng kapangyarihan. Kaya nga ang ating kalihim ng Department of Social Welfare and Development ay nararapat na walang ambisyon sa politika at may tunay na pagaaruga sa mahihirap habang tinutupad ang kanyang tungkulin.