Advertisers

Advertisers

‘NOT GUILTY’ PLEA IPINASOK NG KORTE KAY TEVES!

0 5

Advertisers

Idinaaos ang arraignment o pagbasa ng saksak laban kay dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr., nitong Huwebes ng umaga sa Manila Regional Trial Court Branch 12.

Partikular sa babasahing sakdal laban kay Teves ang illegal possession of firearms and explosives at 1 count na murder

Inihatid si Teves mula sa NBI detention facility sa compound ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City kung saan mahigpit itong ineskortan ng mga tauhan ng NBI.



Dumating si Teves 7:00 ng umaga kung saan nakasuot ng kulay orange na shirt, nakaposas, may suot na bullet proof vest at kevlar helmet ang dating mambabatas.

Sinimulan naman ang kanyang arraignment 8:30 ng umaga.



Samantala, ipinasok ng korte ang “not guilty plea” para sa kaso ng illegal possession of explosives para kay Teves matapos niyang gamitin ang kanyang karapatang manahimik.

Nahaharap si Teves sa mabibigat na paratang kaugnay ng pagpatay kay Gobernador Roel Degamo at siyam pang iba na naganap sa tahanan ni Degamo sa Pamplona, Negros Oriental, noong Marso 4, 2023. Kasama rin siya sa mga kinasuhan kaugnay sa pagpatay ng tatlong tao sa Negros Oriental noong 2019.



Bukod dito, kasama si Teves at 12 iba pa sa listahan ng Anti-Terrorism Council bilang mga terorista dahil sa mga alegasyon ng pagpatay at pangha-harass sa Negros Oriental.

Noong Agosto noong nakaraang taon, pinalayas si Teves mula sa House of Representatives dahil sa hindi pagsunod sa mga patakaran at madalas na hindi pagdalo.

Pagkatapos ng arraignment, inutos ng korte ang paglilipat ni Teves mula sa NBI detention facility sa New Bilibid Prison papuntang Manila City Jail.

Nanatiling mahigpit ang seguridad sa buong proseso ng arraignment, kung saan pinangalagaan ng mga tauhan ng NBI ang paligid ng gusali ng korte.(Jocelyn Domenden)