Advertisers

Advertisers

5 PATAY SA SUNOG KABILANG NG 3 MENOR DE EDAD SA PASIG!

0 13

Advertisers

LIMA ang kumpirmadong patay sa nangyaring sunog kabilang ang isang taong gulang na sanggol at 2 bata sa apat na palapag ng gusali sa E. Mendoza St., Brgy. Buting sa lungsod ng Pasig kahapon Hunyo a-4.

Ayon sa ulat ng Pasig Fire Station, nangyari ang sunog dakong 11:00 ng gabi kung saan unang romespondi ang 4 na truck ng pamatay sunog at naapula ang apoy makalipas ang 20 minuto.

Base inisyal na imbestigasyon, 89 katao o 18 pamilya ang apektado ng sunog at nasa evacuation center.

Kabilang umano sa nasawi ang isang ina, ang isang taong gulang na sanggol at 11-anyos na babae, isang empleyado ng gobyerno at 15-anyos nitong anak, kung saan umaga ng Hunyo a-5 ng marekober ng mga bangkay.

Ayon sa pamatay sunog, hindi nakalbas ng gusali ang mga biktima ng maipit ng mga materyales ng gusali.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.