Advertisers

Advertisers

VP Sara handa sa impeachment, pero ang Senado…

0 6,852

Advertisers

SINABI ni Vice President Sara Duterte-Carpio na handang handa na sila ng kanyang mga abogado para humarap sa Impeachment Trial sa Senate Impeachment Court.

Hindi lang natin alam kung totoo si VP Sara sa kanyang sinasabi o naglalakas-lakasan lang ng loob. Hehehe…

Samantalang si Senate President Chiz Escudero naman ay tila dedma lang sa impeachment laban sa ikalawang pangulo ng bansa, siguro dahil may bumubulong sa kanya na ‘wag nang aksiyunan ang mga reklamo para mapatalsik si VP Sara. Sino kaya yun? Hmmm…



Nitong Lunes, Hunyo 2, na dapat ang pagrebyu sa impeachment articles laban kay VP Sara. Pero ni-reset ito ni Escudero ng June 11 kuno. Ang Impeachment Trial ay nakatakda Hulyo 31.

May bulung-bulungan na kaya dini-delay ni Escudero ang pagtalakay sa impeachment ay dahil sa umuugong na papalitan siya sa puwesto. Gusto raw kasi bumalik sa puwesto ni Senator-elect Tito Sotto.



Sa totoo lang, hindi ko type si Escudero as Senate President lalo si Sotto. Pareho silang walang bayag at balimbing! Mas gugustuhin ko pa alin kina Senator Risa Hontiveros at ang batang Senator-elect Bam Aquino. Mismo!

***



Dapat talaga simulan na ang Impeachment Trial laban kay VP Sara para malaman kung may katotohanan ang mga akusasyon laban sa kanya, at nang matuldukan na ang mga isyu laban sa pamilya Duterte kung gawa-gawa nga lang ang ang mga inaakusa laban sa kanila. Mismo!

Sabi nga ng dating senador na nahalal na kinatawan ng partylist Mamamayang Liberal (ML) na si Liela de Lima, dapat nang simulan ang impeachment at hayaan ang mga ebidensya ang magsabi kung manatili pa o patalsikin na sa puwesto ang pangalawang pangulo ng bansa, ayon sa nakasaad sa Saligang Batas.

Sinabi ni VP Sara na mababasura ang impeacment laban sa kanya. So, ano pa ang hinihintay ng Senado? Simulan ‘nyo na, Chiz, ang Impeachment Trial para matapos na ang lahat nang kaguluhang ito. Now na!

***

Kontra rin si VP Sara sa pagtalaga ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. kay Major General Nicolas Torre bilang bagong Chief PNP, kapalit ng nagretirong si Rommel Marbil.

Sa aking opinyon, kaya ayaw ni VP Sara kay Torre as Chief PNP ay dahil nanganganib ang kanyang mga kaalyado na maaresto kapag naglabas ng ICC arrest warrant laban sa ilan pang akusado sa ‘Crimes Against Humanity’ tulad ng nangyari sa kanyang ama, ex-President Rody Duterte, na inaresto ni Torre at ngayo’y nakakulong na sa The Hague, Netherlands.

Si Torre din ang umaresto sa “untouchable” na “Anak ng Diyos” na si Apollo Quiboloy.

Kabilang sa mga co-accused ni Digong sa ICC sina Senator-elect Bato dela Rosa, ex-PNP Chief Oscar Albayalde, VP Sara at pito pa.

Sinasabing sa Setyembre o Oktubre lalabas ang ICC arrest warrant laban sa mga nasabing indibidwal.

Abangan!