Advertisers
Ikinasa ang sanib-pwersang manhunt operation ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police Station at Cadena de Amor Police Substation 11, na pinamumunuan ni Police Colonel Paul Jady D Doles, Chief of Police at nagresulta sa pagkaaresto sa Top 8 District-Level at Top 5 Station-Level Most Wanted Person.
Kinilala sa alias “Meann” 32-anyos na babae, ang nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165, Sec. 12 – Possession of Drug Paraphernalia).
Sa ulat kay Northern Police Disrict Director PBGen.Josefino Ligan, nasakote ang babaeng akusado sa kahabaan ng Area 1, Camarin, Barangay 175, Caloocan City, 12:05 ng madaling araw ng Martes na ginamitan ng Alternative Recording Device nang maaresto sa warrant na ipinalabas ng korte.
Pansamantalang nakadetine si Meann sa tanggapan ng Investigation and Detective Management Section – Warrant and Subpoena Section (IDMS-WSS) habang hinihintay ang commitment order ng hukuman sa paglipat nito sa piitan.(Beth Samson)