Advertisers

Advertisers

‘Dead on arrival’ sa Senado ang impeach Sara?

0 5,435

Advertisers

MUKHANG mawawalan ng saysay ang pagka-impeach sa House ni Vice President Sara Duterte-Carpio. Dahil 50-50 nang maaksiyunan pa ito ng Senado bilang impeachment Court. “Dead on arrival” na nga raw ito sa Senado.

Oo! ang muling pag-reset ng Senado sa pagtalakay sa impeachments articles laban kay VP Sara ay nagbigay ng panibagong dilim para umusad pa ang impeachment na noong Disyembre 2024 pa iniakyat ng House sa Senado.

Itinakda nitong Hunyo 2, Lunes, ang pagtalakay ng Senado sa impeachment articles, pero kung anong rason ni Senate President Chiz Escudero ay ni-rest niya ito ng Hunyo 11, nagpaikli pa sa panahon para talakayin ang mga reklamo laban sa ikalawang pangulo ng bansa.

Kailangan kasing tapusin na ng Kongreso ang impeachment hanggang katapusan ng buwan, Huyo 30, dahil kapag inabot pa ito ng Hulyo, maaring mabasura lang ang pinagpaguran ng 19th Congress, dahil maari na itong kuwestiyunin ng bagong Kongreso (20th Congress), sabi ni dating Senate President Franklin Drilon na 2 beses nang humawak ng impeachments noong kanilang panahon.

Ang naging rason ni Escudero para i-reset ang pagtakakay sa impeachment articles ay mayroon daw mas mahahalagang bagay na dapat talakayin. Ulol!!!

Kapag nabasura ang impeachment na ito laban kay Sara, walang ibang dapat sakalin ang taongbayan kundi si Escudero. Oo! mamarka ito sa kanyang pagkatao, at malamang na dito magtatapos ang kanyang political career tulad ng nangyari sa kanyang bespren noon na si Mike Defensor na nasira dahil sa pagiging balimbing. Mismo!

***

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Sa pagbalik ng sesyon ng 19th Congress nitong Lunes, nagsagawa si Senador Risa Hontiveros ng privilege speech upang batikusin ang pagpapaliban sa Hunyo 11 ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa impeachment process kungsaan mismo ang huli ang unang nagtakda ng schedule ng June 2.

“Hahatulan tayo ng sambayanan kundi natin gagampanan ang tungkulin na ito sa sambayanan,” bira ni Hontiveros.

Pero bago niya inihayag ang kanyang saloobin tungkol sa sinapit ng impeachment case, nagpaalam muna ang Senadora kay Chiz kung maaari niyang talakayin ang sensitibong isyu, at ang naging tugon ng lider ng Senado: ‘Yes, you may!”

Subalit nang sinimulan ni Hontiveros ang kanyang talumpati ay biglang tumayo at naglakad papalayo sa upuan ng presiding officer si Chiz.

Gayunpaman, hindi nagpaapekto si Hontiveros at nagpatuloy sa kanyang talumpati.

“Mr. President, the 1987 Constitution demands [the] Senate to continue with the impeachment proceedings already initiated without further delay,” diin ni Hontiveros.

“Talagang mandato po ng Saligang Batas ito – klaro at walang kalabuan,” dagdag niya.

Bumalik si Escudero sa kanyang upuan nang tapos na si Hontiveros sa kanyang privilege speech. At ang naging rason lamang niya ay hindi makapagbibigay ng bentahe sa magkabilang partido ang pag-reset ng schedule. Mayroon lang daw mas mahahalagang bagay na dapat unahin. Boom!