Advertisers

Advertisers

Eala, Masarova, talsik sa Birmingham Open

0 17

Advertisers

MAAGANG napatalsik ang magkasangga na sina Alex Eala at Rebeka Masarova ng Switzerland sa women’s doubles ng Birmingham Open sa United Kingdom Lunes ng gabi (Manila time) matapos ang 4-6, 4-6 loss laban sa Australian pair nina Ellen Perez at Storm Hunter sa Round of 16.

Ang Filipino-Swiss tandem ay lumaban ng pukpukan sa isang oras at 11 minuto pero hindi kinaya ang lupit ng Aussie pair.

Ito ang unang laban ni Eala sa grass court ngayon taon.



Eala ay ililipat ang kanyang focus sa women’s singles kapag nakaharap si Linda Fruhvirtova ng Czech Republic sa Round of 32.

Ang 20-year-old Rafael Nadal Academy graduate, ay kasalukuyang sa No.73 sa Women’s Tennis Association rankings, ay nakatutuk na makapasok sa main draw para sa Wimbledon Championships sa Hunyo 30.