Advertisers

Advertisers

“Gawin nating pinaka-makabuluhan ang buwan ng Hunyo” – Mayor Honey

0 30

Advertisers

“LET us make the most of June.”

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna sa flagraising ceremony sa City Hall, kung saan ang Gat Andres Bonifacio Medical Center na pinamumunuan ni Director, Dr. Ted Martin ang host.

Ang alkalde ay sinamahan ni Vice Mayor Yul Servo at mga opisyal ng lungsod.

Dahil ito na ang huling buwan ng alkalde sa kanyang tanggapan, nanawagan si Lacuna sa lahat ng opisyal at kawani ng lungsod na ipagpatuloy ang pagkakaloob ng ‘tapat at totoo’ uri ng serbisyo sa lahat ng mga residente na nauukol sa kanila.

Nagpahayag din ng kanyang tauspusong pasasalamat si Lacuna sa lahat ng residente ng lungsod sa pagbibigay sa kanya ng opurtunidad bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng kabisera ng bansa sa kasaysayan ng Maynila.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Pinasalamatan din ng alkalde ang lahat ng opisyal, kawani at colleague sa pagiging mabunga ng kabanata na ito ng kanyang buhay at pagiging bahagi nito.

“Ang paglilingkod sa Maynila ay hindi lamang tungkulin—ito ay isang karangalan at pananagutan. Sa kabila ng mga hamon, nananatili ang aking paniniwala na ang tunay na lakas ng pamahalaan ay nasa puso at dedikasyon ng bawat empleyado nito,” saad ni Lacuna.

Binigyang kredito ng alkalde ang lahat ng kanyang kapwa manggagawa sa lokal na pamahalaan kahit anupaman ang posisyon nito, sa tagumpay ng lahat ng mga programang kanilang ipinatupad sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Kaya’t ang aking panawagan ay ipagpatuloy natin ang tapat, maagap at makataong paglilingkod para sa bawat Manileño,” Sabi ni Lacuna (ANDI GARCIA)