Advertisers
Nasawi ang apat na miyembro ng New People Army (NPA) sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Catubig , Northern Samar, Martes ng umaga.
Ayon kay Maj. Jefferson Mariano, spokesperson 8th Ifnatry Division , ang engkwentro naganap sa pagitan ng mga sundalo at may 30 mga miyembro ng Regional Guerrilla Unit and Sub-Regional Committee Arctic under the Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) Brgy. Nagoocan, Catubig, Northen Samar.
Sa isinagawang clearing operation narekober ng mga sundalo ang labi ng 4 na mga rebelde at ilang mga mataas na armas.
Iturn-over ang labi ng apat na nasawing rebelde sa Local Government Unit upang matukoy ang pagkakakilan ng mga ito at mabigyan na sapat na libing.
Patuloy naman ang pagtugis ng military laban sa mga tumakas na mga rebelde. (Mark Obleada)