Advertisers

Advertisers

Juday may mensahe sa pagpanaw ni Red

0 7

Advertisers

Ni Beth Gelena

EVICTED na si Xyriel Manabat sa PBB Collab Celebrity Edition.

Sa paglabas ng aktres sa outside world ay nagkulitan agad sa online ang magkaibigang Enchong Dee at Xyriel.

Aniya sa kanyang IG account, “Wala nang photoshoot photoshoot mga tol rekta na to kumbaga tuhog na!!!!! Hello outside worlldddddddd gising na siya!!! Siya nga!!! Siyang tunay!!!!”

Wika pa niya, “Hahahahahaha salamat sa pakikipagiyakan, tawanan, sigawan at kwentuhan sa amin sa loob mga tol. Damang-dama namin ang suporta at pagmamahal kahit wala kaming balita sa inyo – malamang wala kaming TV at selpon sa bahay.”

Patuloy pa niya, “Pero ayun na nga, wala kong ibang maramdaman kundi gratitude at grabe sa love at blessings. Mahal ko kayo salamat!!!”

“Till our next hika sesh hamwa hamwa hamwa GUSTO NIYO YORN????” ‘SigNinGg OfFff??!!!??????!!!!!!!!!???’”

Nagkomento si Enchong: “Itigil mo na yan! Kung ano man gamot yan itigil mo na!!!” the actor quipped.

“Wushuuuuuu maiyak iyak ka nga nung lumabas ako hahahahahahahaahhaahaha,” sagot ni Xyriel.

“Akala ko kasi pareho tayong evicted kagabi,” birong sagot ng aktor.

***

MAY tribute si Judy Ann Santos para sa yumaong ‘TGIS’ star na si Red Sternberg.

Isa ang Teleserye Queen na nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating aktor.

Kalakip ang isang art card, may maigsing heartfelt message ang aktres para sa yumaong aktor.

“Fly high my dear friend,” ani Juday.

***

GERALD NAGSALITA NA ‘HINDI HIWALAY KAY JULIA’

PINAWALANG katotohanan ni Gerald Anderson ang isyung hiwalay na sila ng girlfriend na si Julia Barretto.

Nagpost ang actor sa kanyang IG ng larawan nila ng aktres na magkasama.

Kinumpirma ng aktor na sila pa rin daw ng aktres.

Guest si Gerald sa Toni Talks ni Toni Gonzaga na kaa-upload lang.

Tanong ni Toni, “People think na naghiwalay kayo ni Julia (People think you and Julia have broken up)?”

“No, we’re okay. Kanina, hinatid ko siya sa airport. Papunta sila sa Dubai,” deretsang sagot ni Ge.

Klinaro rin niya ang espekulasyon ng netizens about the deleted photos.

“No photos have been deleted from social media.’

Pina-describe rin ni Toni ang kanilang relationship as a couple.

“It’s deeper,” dagdag pa niya na katulad daw ni Julia ang kanyang ina — very loving and motherly.

“Her love, values, and support inspire me to be better and give her 100 percent,” pakli pa ng aktor.

Now in their fifth year together, Anderson admitted that the relationship has had its ups and downs, but those trials have only strengthened their bond.

“When you go through something like that and see that your partner is emotionally strong, you know it was worth it,” aniya.

Ready na ba siya to settle down?

“Of course. I’m already 36. I need a child.”

Dagdag pa niya, gusto raw ng kanyang ama magkaroon ng apo kay Julia.