Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA kanyang Facebook account, naikuwento ni Ai Ai delas Alas ang tungkol sa pagpayat niya nang bonggang-bongga pero hindi raw naman healthy.
Ipinost ni Ai Ai ang mga litrato niya na kuha sa loob ng gym, kung saan siya nagwo-workout, kalakip nga nito ang kanyang chika kung gaano siya kapayat noon.
“Feelingera lang hehe…mga gym goers ganyan e nag selfie sila para makita nilang ang payat na nila.
“Ako selfie ako para shutanginames makita ko gaano ako tumaba pucha o hirap na hirap na katawang lupa ko haha,” ang bahagi ng caption ni Ai Ai sa kanyang FB post.
Pagpapatuloy pa niya, “LORD help me pagod na pagod na ko… hehe ayoko naman uminom ng 7 days and wala na ata nu’n ngayun haha.
“Pucha payat talaga ko nu’n muntik naman ako maospital…hindi ako kumakain pineapple juice lang and tubig.“Napakapayat ko nu’n ayun lang d naman healthy…ang takaw ko kasi ngayun aktwali matakaw naman talaga ko basically,” sey ng komedyana.
Sabi pa niya, nang maghiwalay sila ng dating mister na si Gerald Sibayan ay hindi siya nakakain sa loob ng dalawang linggo
“Isang magandang naidulot nang iwanan blues hindi ako nakakain ng mga 2 weeks from 118 nag 111 ako in 4 days.
“Pero ayoko na sumapi sa team sawi ok na kong mataba hehe napakahirap ng dinanas ko ayaw ko na maulit,” aniya pa.
***
KAHIT hindi pinalad manalo nitong nakaraang eleksyon na tumakbong konsehal sa Pasig, madali namang nakapag move on si Ara Mina. In fact mas, naging blooming pa ito sa bago niyang hairstyle. Nalungkot, pero aniya tuloy lang ang buhay.
Hindi lamang ang pagkatalo ni Ara ang inuurot ng netizens maging ang saloobin niya sa break-up ng kapatid na si Cristine Reyes at Marco Gumabao. Madami rin kasing nakasama niya ang dating nobyo ng kapatid sa mga okasyon ng pamilya.
Sa programa ni Boy Abunda ay natanong ang aktres sa kung anong reaksyon niya rito.
Kung ano raw ang alam ni Ara ay mananatili na lamang kanya. Hindi raw siya ang tamang tao para magsabi ng real score sa dalawa.
Sabi pa ni Ara, mature na raw si Cristine at naroon lang silang pamilya niya para rito.
Nagbahagi naman ng appreciation si Ara sa nakababatang kapatid dahil kinabukasan daw after ng eleksyon ay nag-text ito at niyaya siyang mag-dinner. Marahil daw para i-comfort siya at naroon din lang naman lagi siya para suportahan ito.