Advertisers
Arestado ng Northern Police District (NPD), sa pamamagitan ng District Investigation and Detection Management Division (DIDMD) Tracker Team, ang 35-anyos na lalaking rapist na kinilalang si alias “Marvin”
Nadakip ang akusado nang lumabag sa Article 266-A of the Revised Penal Code (Rape) 12:35 ng hapon sa loob mismo ng Caloocan City Jail, na matatagpuan sa Talimusak Street corner Tanigue Street, Kaunlaran Village, Barangay 18, Caloocan City.
Sa ulat kay NPD District Director PBGen. Josefino Ligan, naging matagumpay ang pagkaaresto mula sa NPD DIDMD Tracker makaraang ilabas ang warrant na inisyu ni Hon. Barbara Aleli Hernandez Briones, Presiding Judge of Branch 1, Family Court, Caloocan City, noong September 24, 2024.
Walang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan ang hatol ng korte sa akusado.(Beth Samson)