Direktor ng GABMC, pinuri ni Mayor Honey sa pagtataas ng pamantayan para sa ospital
Advertisers
BINIGYANG komendasyon ni Manila Mayor Honey Lacuna ang direktor ng Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) sa ilalim ni Dr. Ted Martin sa pagpapakilala ng nahahalagang pagbabago kung saan ay kapantay na halos nito ang pribadong pagamutan.
Sinabi ni Lacuna na isa ring doctor na sa loob ng tatlong taon, ay nagawa ni Martin na maiangat ang pamantayan ng GABMC sa termino ng serbisyo medikal at pasilidad.
“Sa loob ng tatlog taon, napakalaki ng pagbabago ng Gat. Bagamat isang pampublikong ospital, sinikap ng Gat na ayusin ang pamamalakad sa kaniang ospital, baguhin at taasan ang antas ng pagbibigay-serbisyo lalo na sa ating mga kababayan sa Tondo,” sabi ng alkalde.
Idinagdag ni Lacuna na; “Masaya tayo na kahit isang public hospital ay napakarami nilang na-introduce gaya ng iba-ibang facilities na ginagamit na sadyang minsan, nakkita lang sa pribadong ospital.
Pinuri din ng alkalde ang GABMC sa mahigit na 400 dialysis patients kada isang araw na pinagsisikbihan nito, kasabay ito ng kanyang panawagan na wag mapapagod sa paglilingkod sa mga mamamayan lalo na sa mga may sakit.
Ibinihago naman ni Martin na ang GABMC na nagdiwang ng kanilang ika-27 taong anibrrsaryo nitong in Abril na ISO-certified na ang pagamutan.
Ipinagmalaki rin ni Martin na kauna-unahan sa kasaysayan ng nasabing pagamutan, ang emergency room at outpatient department nito ay fully air-conditioned na.
“Di na tayo nahuhuli sa mga pribadong ospital… maalwal at maayos na nakakapagbigay- serbisyo sa isang mas maluwag na lugar para sa patients at gayundin sa staff,” pahayag pa ni Martin at sinabing ang GABMC ay E-konsulta accredited na rin.
Maging ang status ng GABMC ay itinaas na rin ng Department of Health dahil sa pagiging compliant ng public healthbl unit nito . Maging ang radiology department nito ay mayroon na ring modern digital x-ray. (ANDI GARCIA)