Advertisers

Advertisers

NUMBER GAME

0 197

Advertisers

PAGLUSTAY ng salapi ng bayan, walang makapipigil niyan maseguro lang ang pansariling interes- pulitikal kaya etsapuwera muna ang kapakanan ng sambayanan.

Hangga’t nariyan ang mga naghaharing- uri na mga pulitikong halal ng mamamayan na walang inatupag sa kanilang termino kundi mamulitika, mananatiling nganga si Juan sa kawalan

Sadsad at lupasay na ang buhay ng mga Pilipino pero sa halip na kabuhayan ang atupagin ay ang kalaban sa pulitika at pagpapasikat o grandstanding ang pokus ng mga dapat ay serbisyo- publko ang inaasikaso sa pamamagitan ng pagbalangkas ng batas ang gawain bilang mambabatas.



Ano ang magagawang madaliang solusyon ng pinag-aaksayahan ng panahon na IMPEACHMENT ?

Makatutulong ba yan para iangat ang buhay ng mga pobreng kababayan?



Solusyon ba iyan para makakain ng tatlong beses isang araw ang hikahos na pamilyang Pilipino?

Makapagbibigay ba iyan ng trabaho sa milyong jobless na Pinoy?



Makakalunas ba iyan sa kamahalan ng gamot at hospital bill para sa kababayang may sakit sa pisikal at bulsa ni Juan?

Makapagtutustos ba iyan sa hirap magpaaral ng anak na igagapang upang makatapos lang?

Napakaraming suliranin ng bayan ni Juan.

Magkano ang gugugulin para sa prosesong pulitikal tulad ng impeachment?

Dapat ay ilaan na lang ang atensyon kuñg paano pigilan ang lantarang panggagahasa ng national budget natin na kukurapin lang ng mga demonyong nakaputing barong pero maitim ang balak na nakawan ang kaban ng bayan na trilyones pesos ang pinaguusapan diyan kapag napabayaan , isang kisap mata lang ay maglalaho ang kabuhaýang maibubulsa lang ng mga kawatan sa bicam.

Dapat mauntog ang mga linsiyak na tuwang-tuwa sa IMPEACHMENT.

Di naman mahalaga kung convicted o hindi..iyan ay maliwanag na NUMBER GAME lamang..Kung sino ang malakas na paksiyon doon ang timon.

Dapat sa mga impeachment- crazy lawmakers ang siyang pinatatalsik dahil sa kapabayaan sa ibang bagay na prayoridad dapat ang baýan.

Hindi ikabubuhay ng Pilipino ang impeachment kaya dapat nang ihinto ang kabalbalan..ABANGAN!

Lowcut- Special shoutout sa mother& daughter ng Silang sa Cavite na sina Gng.Mhel Duguran at Ms Majie Bawalan. Pugay kay SG Vhergel Divina ng McDo Libertad sa Pasay City.