Advertisers
Ni Blessie Cirera
HINDI napigilan nina Glaiza de Castro at Sanya Lopez na mapaiyak sa media conference ng most iconic fantasy series, ang Encantadia Chronicles: Sangre dahil sa matinding kasiyahan.
Tsika nga ni Sanya, kung wala raw Encantadia ay wala siya sa posisyon niya ngayon, na nakilala at tinangkilik ng fans.
Maliban pa riyan, naiyak ang dalawang aktres nang alalahanin nila ang panahong kapwa sila parte ng Encantadia bilang mga Sangre.
Makalipas ang dalawang dekada ng magic, love at power, muling babalik ang Encantadia gabi-gabi sa inyong mga tahanan.
Hindi nagwawakas ang yugto ng Encantadia dahil ngayon, muling magbabalik ang seryeng minahal ng sambayanan.
Sa bagong yugto ng Encantadia, pangungunahan ito nina Bianca Umali, Faith da Silva, Angel Guardian at Kelvin Miranda. Sila ang mga kasalukuyang tagapag-ingat ng mga brilyante ng lupa, hangin, at tubig.
Ito ay pagbibidahan nina Bianca Umali, Faith da Silva, Angel Guardian at Kelvin Miranda.
Sila ang mga bagong tagapag-ingat ng mga brilyante ng lupa, hangin, tubig at apoy.
Abangan ang panibagong pakikipagsapalaran ng mga sang’re na sina Flamarra, Adamus, Deia at Terra.
Haharapin nila ang kontrabida ngayong si Mitena, si Rhian Ramos na masaya sa role na ipinagkaloob sa kanya.
Kasama rin sa pantaserye ang pagbabalik ng lead cast ng Encantadia noong 2016 na sina Glaiza, Sanya, Kylie Padilla at Gabbi Garcia.
Nasa Encantadia Chronicles: Sang’re rin sina Manilyn Reynes, Buboy Garovillo, Benjie Paras, Mikee Quintos, Gabby Eigenmann, Jon Lucas at marami pang iba. Ito ay mula sa direksyon nina Rico Gutierrez at Enzo Williams.
Kaya tutukan na ang pagbabalik ng Encantadia Chronicles: Sang’re Lunes-Biyernes, 8pm sa GMA Prime.