Advertisers

Advertisers

RETIRED U.S. NAVY SERVICEMAN, ARESTADO SA PAGDADALA NG ‘AIRGUNS’ SA NAIA 3

0 37

Advertisers

ISANG papaalis na pasahero ang inaresto ng PNP Aviation Security Group sa NAIA Terminal 3 dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code kaugnay ng COMELEC Gun Ban, napag-alaman sa ulat kahapon.

Base sa report na natanggap ni PNP-AVSEGROUP Director PBGen Christopher M. Abecia, nakilala ang ang 66-anyos na lalaking pasahero na isang retiradong U.S. Navy serviceman at residente ng Taguig City.

Siya ay nakatakdang sumakay sa domestic flight ang nang siya ay i-flag down ng mga tauhan ng screening sa paliparan dahil ipinakita ang larawang kahawig ng baril sa X-ray screening ng kanyang brown balikbayan box.

Kasunod nito ay nagsagawa ang mga awtoridad ng manu-manong inspeksyon at natagpuan ang dalawang air gun na walang dokumento. Ang pagmamay-ari at pagdadala ng mga baril o mga katulad na armas nang walang pahintulot sa panahon ng halalan ay ipinagbabawal.

Ang pasahero ay inaresto ng PNP-AVSEGROUP at ipinaalam sa kanya ang kanyang mga constitutional rights. Ang pag-aresto ay naitala gamit ang Alternative Recording Device (ARD), bilang pagsunod sa mga tuntunin ng Korte Suprema.

Nagpaalala si PBGen Abecia sa publiko na nananatiling may bisa ang COMELEC gun ban. Sinabi ni Abecia na ang panggagaya o replica ng isang baril na halos kapareho ng pangkalahatang hitsura ng isang tunay na baril ay ipinagbabawal din. (JOJO SADIWA)