Advertisers
INARESTO ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang police sergeant dahil sa pagtakas ng isang preso sa detention facility ng isang substation ng Caloocan City Police.
Sinabi ni NCRPO director Major General Anthony A. Aberin, nag-ugat ang operasyon sa resulta ng accounting ng Person Under Police Custody sa Caloocan City Police Substation 6.
Sa imbestigasyon, natuklasang nakatakas ang isang preso Linggo ng gabi ngunit nalaman lamang kinabukasan.
Sa pagsuri sa rekord, lumabas na ang naarestong police sergeant ang duty jailer noong panahong iyon at hindi rin iniulat ng pulis ang nasabing insidente.
Naaresto ang pulis nitong Martes sa kahabaan ng Samson Road, Brgy. 8, Caloocan City.(Beth Samson)