Advertisers

Advertisers

Usec. Aquino, 16 PCO execs pinatalsik ni PBBM

0 94

Advertisers

NABUNYAG na kabilang sa mga sinibak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at ngayo’y Usec. Jorjette Aquino ng Presidential Communications Office (PCO).

Ayon sa mga source ng POLICE FILES TONITE, tinanggap na ng Punong Ehekutibo ang courtesy resignations nina Asec. Mario Fetalino Jr. at Asec. Dale de Vera.

Accepted din ang pagbibitiw sa puwesto nina Dir. Alex Calda, Dir. Robertson Ramirez, Dir. Luis Morente, Dir. Lee Ann Ducusin, Dir. Nelson De Guzman, at Dir. Sheryll Anne Lizarondo.



Isiniwalat naman ng isa pang source na hindi bababa sa 15 ang bilang ng mga PCO officials na pinaaalis ng Pangulo sa posisyon.

Kasama rin sa mga mapapatalsik sa puwesto ang Deputy Director-General ng Philippine Information Agency (PIA) na si Ares Gutierrez dahil ang ahensya ay nasa ilalim din ng PCO.



Samantala, ayon sa isa pang source, terminated naman si Dir. Florante Solmerin.

Hawak na ngayon ni PCO Acting Sec. Jay Ruiz ang listahan at inaasahang i-aanunsiyo ito ng ahensya sa mga susunod na araw.



Matatandang ipinag-utos ng Pangulo na magsumite ng courtesy resignations ang lahat ng kanyang Cabinet secretaries at kanilang mga tauhan para ‘i-recalibrate’ ang kanyang administrasyon.

Sinasabing ang panawagan ni PBBM ay naglalayong mabigyan siya ng pagkakataon upang suriin ang ‘performance’ ng bawat departamento. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)