Advertisers

Advertisers

Paslit patay sa kagat ng aso; nakakagat kinatay, kinain ng 30 katao

Dog eaters basa!

0 35

Advertisers

NASAWI ang 9-anyos na bata sa rabies nang makagat ng pagala-galang aso sa Ma-lapatan, Sarangani.

Nabigyan pa ang bata ng unang dose ng anti-rabies vaccine nguni’t kumalat na ang epekto ng virus at nasawi rin ang bata kinabukasan.

Ayon sa Sarangani Provincial Health Office, nakagat ang bata Mayo 18 ng taon matapos makipaglaro sa na-sabing aso. Pero hindi niya ipinaalam sa kaniyang mga magulang na nakagat siya.



Samantala, sinubukan naman ng mga awtoridad na hanapin ang nakakagat na aso, nguni’t natuklasang kinatay na pala ito.

Aabot umano sa 30 katao ang kumain sa kinatay na aso.



Sa ngayon, sumasailalim na ang mga kumain ng kinatay na aso sa post-exposure prophylaxis o anti-rabies immunization.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">