Advertisers
ARESTADO ng mga elemento ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang 2 lalaki na ‘di umano’y gumagamit sa pangalan ni First Lady Liza Louise Aranera -Morcos nang makuhanan ng baril at bomba sa loob ng sasakyan sa isinagawang operasyon sa Para-ñaque City.
Kinilala ang naaresto na sina Joselito Agtuca at JJ Javier na nagpapakilang Undersecretary sa Office of the President at kamag-anak ng First Lady.
Ayon kay HPG director Brigadier General Eleazar Matta, sina Agtuc at Javier ay inaresto nang makuhanan ng bomba na C-4 at 9 mm pistol nang sitahin sa paggamit ng blinker at protocol plate number 12 sa sasakyan sa Parañaque City.
Samantala, sinabi ni Ambassador Markus Lacanilao, special envoy for Transnational Crime, si Agtuca ay kabilang sa 3 unang naaresto sa Pasay City noong March 2024 sa isinagawang entrapment operation nang mangi-kil o mangontong ng P5 million sa ilang negosyante na pinagbantaan ipapasara ang kanilang negosyong medical at emission testing kung hindi magbibigay ng nasabing halaga.
“Apparently meron silang kasama na nakatakas that time. Ang tinutukoy ko ito si Mr. Javier, kasi itong naaresto si Francisco Ouano siya rin pinakita sa video and itong nahuli ng HPG na sasakyan ito rin yung sasakyan na ginamit niya na gumagamit ng fake protocol No. 12,” ani Lacanilao.
Aniya, matagal nang pinaghahanap si Javier nang matukoy na kabilang sa mga sindikato na nagpapanggap at nagpapakilang opisyal at kamag-anak ng First lady.
Isinaad ni Lacanilao na si Agtuca at 2 pa iba nakapag-lagak na piyansa kaya’t nakakalaya ito.
Nahaharap ang mga suspek sa mga patong patong na kaso. (Mark Obleada)