Advertisers

Advertisers

PBBM, pinasalamatan ni Mayor Honey sa pagdedeklara ng June 24 bilang special non-working day sa Maynila

0 26

Advertisers

PINASALAMATAN ni Manila Mayor Honey Lacuna si President Ferdinand Marcos, Jr. sa pagdedeklara nito ng June 24 ( Martes) bilang special non-working day sa Maynila, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-454 taon ng anibersaryo ng ‘Araw ng Maynila’

Dahil dito ay pinasalamatan ni Lacuna ang lahat ng tumulong sa Maynila upang marating ang kasalukuyang estado bilang isang lider sa lahat ng siyudad sa bansa.

“Sa lahat ng mga nakatulong natin sa paglilingkod, pribado man o kasama natin sa trabaho, maraming-maraming salamat sa inyong lahat,” saad nito.

Binigyang diin ni Lacuna na labis na ikinararangal ng mga Manileño ang lungsod ng Maynila kung saan sila ipinanganak, lumaki, nag-aral, nagkapamilya at nagsilbi sa abot ng kanilang kakayahan.

Pinasalamatan niya ang mga residente, mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga naka-partner ng pamahalaang lungsod mula sa pribadong sektor at maging ang mga indibidwal na tumutulong sa Maynila sa maraming paraan sa loob ng maraming taon.

“Ang tulong at suporta ng bawat isa ay hindi natin dapat balewalain, dahil sa lob ng 454 taon ay hinubog ng mga ito ang Maynila bilang tunay na karapat- dapat bilang kapitolyo ng ating bansa,” pagbibigay diin ni Lacuna. (ANDI GARCIA)