Advertisers
BABALA ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III sa mga pulis na babagsak sa isasagawang Marksmanship test ay babawian ng baril at bibigyan ng bolo.
Ayon kay Torre, ang mga pulis na hindi pasado sa proficiency standards sa barilan ay babawian ng service firearm at papalitan ng bolo kung sakaling mangamote ang kanilang performance.
Sinabi ni Torre na kanyang sisiguraduhing marunong bumaril ang bawat alagad ng batas.
Sinabi ni Torre na kanyang sisiguraduhing marunong bumaril ang bawat alagad ng batas.
Aniya, magsisimula ang pagsusulit sa mga opisyal na nasa mataas na posisyon, at susunod na isasalang ang mga patrolman.
Dagdag pa ni Torre, lagda na lamang nya ang kulang sa procurement ng karagdagang bala upang magamit ng mga pulis sa ensayo bago ang mismong pagsusulit sa Hulyo.
Samantala ipinag-utos din ni Torre ang pagsasailalim sa mga pulis sa isang espesyal na physical fitness program.
Ayon kay Torre, partikular ito para sa mga mobile force personnel na may “broken-hour” shift mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon pero hindi kabilang ang mga frontline patrol personnel.
Sinabi ni Torre, kailangang makapasa ang lahat ng pulis sa Physical Fitness Test at magkaroon ng normal na Body Mass Index.
Binigyang-diin ni Torre ang Republic Act 9675 o ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Act, na nagsasaad na ang isang aplikante sa PNP ay dapat may timbang na hindi lalampas o kulang ng limang kilo batay sa standard weight na naaayon sa kanyang taas, edad, at kasarian.
Paliwanag ni Torre kanyang ilalaan ang Martes at Huwebes, mula alas tres ng hapon pataas para sa kanilang napiling physical fitness activity.
Gayunpaman, iginiit ni Torre na ang programang ito ay may kalakip na inaasahang pagpasa sa mandatoryong physical fitness test ng PNP.
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com